Isinusulong ngayon ni Senator Raffy Tulfo ang pagsasagawa ng inquiry sa palaging nararanasang power outages at mataas na singil sa kuryente sa ilang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, inihain ng senador ang isang resolution na nag-aatas sa Senate committee on energy na pinamumunuan nito para magsagawa ng inquiry in aid of legislation hinggil sa naturang usapin.
Umaasa ang sSenador na masusulosyunan ang matagal ng suliranin kapag nagpatawag na ng pagdinig.
Ayon sa senador, ipapatawag ang nagdaang opisyal ng Department of Energy, electric companies, at iba pang concerned agencies sa isasagawang pagdinig para magbahagi ng impormasyon kung bakit hindi nabigyan ng solusyon ang problema.
Maliban pa sa government agencies at kompaniya, sinabi ng senador na dapat tinulungan aniya ng mga LGU ang kanilang constituents sa pagpapaabot ng naturang problema sa mga concerned authorities.
-- Advertisements --