-- Advertisements --

Ikinagalak ng liderato ng Senado ang agad na pagtugon ng Supreme Court (SC) sa kanilang hiling na resolbahin ang isyu ng hindi pagdalo ng mga miyembro ng gabinete sa blue ribbon committee hearings.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, sana ay mabilis na matapos ang usapin, upang makompleto na rin nila ang imbestigasyon sa bilyon-bilyong deal sa Pharmally, para sa pagbili ng medical supplies.

Una rito, hiniling ng Senado sa kataas-taasang hukuman na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa kautusan ng Malacanang na nag-aatas sa mga kalihim na huwag makibahagi sa Senate hearings dahil nakakaabala raw ito sa pagtugon sa COVID response ng pamahalaan.

Maliban kay Executive Secretary Salvador Medialdea, pinasasagot din ng korte si Health Secretary Francisco Duque III, dahil sa hindi nito pagdalo sa hearings.