Tiwala si Senador Lito Lapid sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang talakayin ang pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Ayon kay Lapid, handa ang Senado sa hamon na pag-usapan ang mga pagbabago sa Konstitusyon kung saan ang interes ng bayan ang magiging pinakapangunahing konsiderasyon at batayan ng anumang magiging pasya ukol dito.
Una pa man, iginiit ng Senador na ang pag-amyenda ng Konstitusyon ay hindi isang simpleng bagay.
Sa bawat hakbang aniya ay tiyak na napakaraming tinig ang dapat pakinggan, maraming bagay ang dapat aralin.
Aniya, anumang inisyatiba na mag-aalis sa tinig ng Senado ay nagbabalewala ng tinig ng milyun-milyong Pilipinong naglagak ng kanilang pag-asa sa mga mambabatas upang maging tinig nila sa lehislatura.
Kaya naman kailangan aniyang matiyak na ito ay para sa kapakanan ng mga bawat Pilipino.