Gagamitin ng Senado sa full disinfection ang kanilang lockdown, ngayong tapos na ang sesyon para sa holy week break.
Sa kanilang sesyon, kinilala ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga kasamahan na may perfect attendance, partikular na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Dapat sana ay sa may pasok pa sila ngayong araw, ngunit sinikap na ng mga mambabatas na matapos ang kanilang pending bills at resolutions, para mai-lockdown na ang buong compound ngayong araw.
Kabilang sa mga inaprubahan ng Senado ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng proteksyon ang mga abogado, sa harap na rin ng dumaraming insidente ng pamamaslang sa mga abogado.
Inihabol din nila ang pag-apruba sa prangkisa ng third telco na DITO telecommunity.
Maging ang amyebda sa solo parent act ay natalakay din ng mga senador, lalo’t aprubado na ito sa level ng Kamara.
Kabilang sa mga nagsusulong ng bill sa Senado sina Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairperson, Senator Risa Hontiveros at Senate committee on health chairman Sen. Christopher “Bong” Go.