-- Advertisements --

Handa ang Senado na taasan ang alokasyon na kanilang inirekominda para sa panukalang Bayanihan to Recover as One Act ng hanggang P162 billion, katulad ng proposal ng Kamara.

Ayon ito kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, isa sa mga miyembro ng Senate contingent sa bicameral conference committee na nagsasapinal sa Bayanihan 2.

Sa ilalim ng kanilang bersyon, ipinapanukala ng Senado na bigyan ng P140-billion na alokasyon ang Bayanihan 2, mas mababa kumpara sa P162 billion ng Kamara.

Bukas, alas-10:00 ng umaga ay magpupulong ulit ang bicameral conference committee.

Mababatid na sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang buwan ay hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa ang Bayanihan 2.