-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si Sen. Cynthia Villar sa naging pahayag nito kahapon sa Senado na hindi na dapat bigyan ng ayuda ang mga nasa middle class na manggagawa.

Una nang sinabi ng mambabatas na dapat ilaan na lang sa mahihirap ang perang pantulong sa working class, dahil may sahod naman ang mga ito, mula sa pampublikong tanggapan o maging sa pribado man.

“The workers who continue to receive their salaries during the quarantine were excluded as eligible beneficiaries because they did not lose their income even amid the strict quarantine setup,” pahayag ni Villar.

Pero ngayong araw, inamin ng senadora na kinikilala niya ang malaking kontribusyon ng mga manggagawang nasa middle class, dahil ang mga ito ang “backbone” o pinagmumulan ng tibay para sa ating ekonomiya.

Naihanay niya raw ang mga tanong at pahayag kahapon na tila naging “insensitive” sa hirap na pinagdadaanan ng mga middle class workers.

Bunsod nito, humingi siya ng paumanhin sa mga nasaktan dahil sa kaniyang pananalita.

“My statements during the hearing yesterday was not in any manner meant to be an affront to the hardworking middle class of the country. I might have framed my questions and statements in such a manner that made it seem I was insensitive to the plight of the middle income sector. I am NOT. I am concerned and I lookout for the welfare of the middle income workers. If I have offended anyone with my statements, I humbly apologize,” wika ni Villar.