Nanindigan si Sen. Joel Villanueva na isang ‘set-up’ lamang ang naging pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa mga anomalya hinggil sa malawakang flood control project scandals sa bansa.
Sa kaniyang mga naging pahayag sa pagdiriwang ng Jesus is Lord Church Worldwide, muli niyang itinanggi ang mga alegasyon at mga akusasyon sa kaniya hinggil sa mga naturang proyekto.
Aniya, ang naging pagdawit sa kaniya ay pawang mga palabas lamang upang matiyak na siya ay maididiin at tiyak na maisasangkot sa mga isyu na ito.
Dagdag pa niya, kaya niyang tingnan sa mata ang bawat isa sa miyembro ng JIL at sabihin na wala siyang ngi isang proyekto sa flood control at mapatunayang hindi aniya siya sangkot sa kahit anumang katiwalian.
Kasunod nito ay pinasalamatan naman ni Bro. Eddie Villanueva, ama ng senador, si Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at maging si Sen. Robinhood Padilla matapos nitong depensahan at manindigan para sa anak.
Samantala, kumpiyansa naman ang mag-ama na malalampasan din ng kanilang pamilya ang mga alegasyon na patuloy na ibinabato sa kaniya at matitiyak na inosente aniya ang senador.