Kinumpirma ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla na naka self-quarantine na ang kaniyang asawa na si Senator Bong Revilla matapos mag-positibo sa COVID-19 ang kasamahan nito sa Senado na si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Sa eksklusibong panayam kay Mayor Revilla, sinabi nito na katatapos lamang magpa-test kahapon ng senador at umaasa ang buong pamilya Revilla na negative ang lalabas sa resulta.

Lahat din umano ng mga senador na nakasama nina Sen. Zubiri ay sumailalim na rin sa coronavirus testing kahapon.

Patuloy naman din ang panalangin nila na magiging maayos ang resulta ng nasabing test para maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang gawain bilang mga mambabatas sa Senado.