Kailangan daw munang patunayan ng DITO Telecommunity Corporation na karapat-dapat itong bigyan ng franchise renewal bago magdesisyon ang Senate Committee on Public Services.
Ayon kay Senator Grace Poe, wala pa raw napapatunayan ang nasabing kumpanya kaya hindi sila maaaring bigyan ng prangkisa agad-agad.
Saad pa nito na serbisyo muna bago ang prangkisa. Kailangan pa raw kasing suriin at tingnan ng senado kung talagang nabigyan nito ng mabilis na internet ang mga lugar na dapat bigyan ng serbisyo.
Nakatakdang mapaso ang franchise ng naturang kumpanya sa 2023 at sa kasalukuyan ay tinatalakay na ng komite ng Poe ang aplikasyon ng renewal.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado noong Disyembre 7, kinuwestyon ng senador ang DITO kung ang mga malalayong lugar sa bansa ay nakasama sa kanilang unang taon ng operasyon bilang third telco player.
Sumagot naman si DITO chief technology officer Rodolfo Santiago na dahil time-bound ang kanilang pangako kung kaya’t naghanap pa sila ng paraan para matugunan ito.
Dahil na rin daw binigyan lamang sila ng isang taon ay 37% pa lamang ng populasyon ang nakasama sa kanilang serbisyo kung saan ginawa nilang prayoridad ang mga lugar na maraming naninirahan.
Ito ang mga urban centers sa buong bansa kasama na ang Metro Manila, Cebu at Davao.
Tila hindi naman natuwa si Poe sa stratehiya ng kumpanya, aniya binigyan ng franchise ang DITO para siguruhin na magkakaroon ng access ang mga indibidwal na nahihirapang kumonekta sa internet.
Parte rin daw ng kontrata nito na mag-set up sa mga masusukal na lugar, ngunit ayon kay Santiago hindi raw dapat limitahan ni Poe ang kaniyang basehan sa isang taong operasyon ng kumpanya.