-- Advertisements --
Hindi pabor si Senator Grace Poe na muling palawigin ang pagpaparehistro ng mga Subscriber Identity Module (SIM) pagkatapos ng deadline nito sa July 25.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Public Services ay kinatigan nito ang ilang komento ng publiko na wala ng maniniwala sa SIM registration kung ito ay patuloy na papalawigin.
Kapag naipatupad na ito ay tuluyan ng matutuldukan ang talamak na pambibiktima ng mga kawatan gamit ang kanilang cellphone.
Magugunitang ang mga hindi nairehistrong SIM cards ay tuluyan ng madedeactivate at hindi magagamit.