-- Advertisements --

Ibinahagi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na minsan niyang naisip na magbitiw bilang senador dahil sa mga nangyayaring tensyon at kaguluhan sa Mataas na Kapulungan.

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na nakakalungkot para sa kaniya ang pagbabago ng tingin ng publiko sa Senado kumpara sa House of Representatives.

Dati daw kasi ay tinitingnan ang Senado bilang “big brother” o mas mataas na antas ng check and balance sa gobyerno, ngunit tila nagbago na raw ito sa kasalukuyan.

Inamin din ng senador na naipahayag niya sa ilang kasamahan ang posibilidad ng pagbibitiw, ngunit hinikayat siyang huwag ituloy ito.

Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na patuloy pa rin silang umaasa sa Senate minority bloc na maibabalik ang respeto at kredibilidad ng institusyon sa pamamagitan ng mas maayos na trabaho para sa publiko. (Report by Bombo Jai)