Hindi mapigilang magalit si Senator Pia Cayetano na ang University of the Philippines (UP) at apat pang mga paaralan ay hindi pa nagsasagawa ng full face-to-face classes.
Ang ilang mga paaralan ay Cagayan State University, Northern Iloilo State University, South Cotabato State College, at Mindanao State University.
Sa ginanap na Senate committee on finance hearing sa 2023 budget ng Commission on Higher Education (CHEd) at state universities and colleges ay kinuwestiyon ni Cayetano ang basehan ng blended learning implementation ng UP-Diliman sa Quezon City.
Tinanong ng senador si UP President Danilo Concepcion kung sino ang liason officer nito na nakipag-ugnayan sa Quezon City government na hiniling ang pagsasagawa ng limited blended learning.
Ibinahagi pa ng senador ang kaniyang pagpapalitan ng mensahe ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at pinabulaanan na pinagbabawal pa nila ang face-to-face classes.
Dahil dito ay hinamon ni Cayetano si Concepcion na magsasgawa ng full face-to-face classes sa mga unibersidad para maaprubahan ang kanilang budget.