DAVAO CITY – Kampante na inihayag ni Senator Manny Pacquiao na totoo ang kanyang sinasabi na may matinding korapsiyon na nangyayari sa ilang mga ahensiya nga pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng opisyal na may katotohanan ang sinabi ng Commission on Audit (COA) na may nangyayaring korapsiyon sa gobyerno kung isa umano ito sa bibigyan niya ng pansin.
Nilinaw rin nito na hindi siya nagsisinungaling at totoo ang kanyang ibinulgar.
Muli namang sinabi ni Sen. Pacquiao na hindi niya kinakalaban si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi umano siya pabor sa ginagawang pagdepensa nito sa ilang opisyal nga gobyerno na nasasangkot sa korapsiyon.
Sinabi rin nito na hindi totoo na ngayon lang siya nag-iingay patungkol sa isyu ng korapsiyon dahil simula umano ng maupo siya sa puwesto ay isa ito sa kanyang mga tinututukan.