-- Advertisements --

Nakahanda na rin umano si eight division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao na magpabakuna sa harap ng publiko para lang mapalakas ang tiwala sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Pacquiao, wala siyang nakikitang problema kung magpapabakuna man kasabay ng tuloy-tuloy na ensayo.

Sa kasalukuyan ay naghahanda si Pacman sa panibagong laban, ngunit hindi pa tinukoy kung sino ang kaniyang makakaharap.

Samantala, maging ang kasamahan nito sa Senado na si Sen. Imee Marcos ay bukas din daw na magpabakuna sa harap ng taong bayan.