-- Advertisements --

Nais ngayon ng isang senador na mas higpitan ang regulasyon sa pagbebenta ng alak at ang pagbuo ng task force para sa pagpapatupad ng national action plan para matugunan ang isyu sa teenage pregnancies sa bansa.

Sa Senate hearing, hiniling ni Senator Imee Marcos ang mga government institutions sa update ng pagpapatupad ng Executive Order 141 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang naturang executive order ay nagdedeklara sa pagpigil sa teenage pregnancies bilang national priority.

Sinabi naman ni Executive Director Romeo Dongeto of the Philippine Legislators Committee on Population and Development na mayroong action plan matapos ang pag-iisyu ng EO pero hindi ito naipatupad.

Ayon kay Dongeto, inaasahan nilang ang Department of Education tutugon sa executiv order sa pamamagitan ng pagpapabilis sa rollout ng mga comprehensive sexuality education.

Dahil dito, ipinanukala ni Sen. Marcos ang pagbuo ng task force na magpapatupad sa EO 141 sa halipd na isang council na dati nitong ipinanukala sa kanyang bill para matugunan ang address teenage pregnancy.

Kabilang daw sa mga measures na makakatulong dito ay ang pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa alcohol sale.

Naniniwala ang isang senador na may mga kababaihang nabubuntis lalo na ang mga teenagers dahil sa mga inuman.

Nararapat din umanong kasali ang Department of the Interior and Local and Government at Philippine National Police women and children’s desk sa pag-monitor sa naturang mga aktibidad.