-- Advertisements --

Buo ang paniniwala ni Senator Imee Marcos on ang ng Department of Agriculture (DA) na marami pa ring mga kabataan sa ngayon ang interesado sa pagsasaka.

Dahil dito, itinutulak daw sa ngayon ng senador ang pagpapaganda pa sa DA Young Farmers Challenge Program (YFPC) na magigiging daan para magkaroon ng malaking impact sa ating bansa.

Sinang-ayunan naman ito ni DA Undersecretary Kristine Evangelista at nakita nila kung gaano kainteresado ang mga kabataan dahil na rin sa pagdami ng sumasali sa programa na sinimulan lamang noong nakaraang taon.

Sa katunayan ay marami pa rin naman daw na gustong sumali sa kanilang programa at ang mga kabataan ay napakatibay daw sa pagsasaka.

Kaya naman ang mga innovations pagdating sa agrikultura ay sobrang open minded daw ang mga kabataan.

Sinabi ni Marcos na naglaan daw ng P100,000 million budget sa YFPC program noong 2021 at mahigit isanglibo walong daan ang nakibahagi rito mula sa provincial, regional at national level.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na dapat daw ay mayroong panukalang batas na susuporta rito para mapalawak at mapaganda pa ang naturang programa.

Maganda rin umanong maka-acccess ng lupain sa ilalim ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Land Registration Authority (LRA) dahil marami raw na mga estudyante ag walang sariling lupa at hindi sila puwedeng mamili ng kanilang itatanim.

Pati raw ang DepEd at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay dapat ding makaugnayan para sa tech-voc.

Dagdag ng senador, sa ngayon daw ay hindi pa aabot sa sampung milyon ang bilang ng mga magsasaka sa bansa na siyang nagpapababa naman sa food productivity.

Ang average age din ng mga magsasaka sa Pilipinas sa ngayon ang 57 years old.

Una rito, naghain si Marcos at Senators Jinggoy Estrada at Loren Legarda ng resolusyon na layong maka-establish ng Young Farmers and Fisherfolk Challenge Program.

Pangunahing layunin ng naturang measure na ma-encourage ang mga kabataan at mga bagong henerasyon na pumasok sa farming at fishery bilang viable career options.