Tinanggihan umano ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang alok ng opposition coalition na 1Sambayan para maging nominado ito sa pagkapangulo 2022 national elections.

Sinabi nito na hindi ito sapat sa koalisyon kaya ayaw niyang biguin ang nasabing grupo.

Ang pagtanggi ay idinaan ng senador sa sulat kay 1Sambayan convenor at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Pinasalamatan na lamang nito ang coalition dahil sa kabilang siya sa pinagpipilian na maging kandidato sa pagka-pangulo ng bansa sa 2022.