-- Advertisements --

Sinang-ayunan ni Senator Imee Marcos ang apela ni Carcar City Mayor Patrick Barcenas sa Department of Agriculture na alisin na sa red-zone ang kanilang lugar dahil matagal na umanong walang kaso ng African Swine-Fever ang kanilang lungsod.

Ginawa ni Senator Marcos ang pahayag kasabay ng kanyang pagbisita sa lugar nitong Sabado, Hunyo 24, upang mamahagi ng tulong-pinansiyal sa marginalized sector sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi pa ng senadora na tama lang iyon at dapat pang isa-isahing tingnan ng DA dahil marami pa ang nawawalan ng negosyo.

Ayon din sa opisyal na sa usapin ng biosecurity ay dapat pang i-target ang mga backyard hog raisers at hindi lamang ang mga commercial hog raisers.

Dagdag pa nito na panahon na para matulungang makabangon ang hog industry at ‘looking forward’ naman ito sa restocking kung saan may karapatan umanong mabigyan ng mga baboy ang mga naapektuhan ng ASF na hindi na kabilang sa red zone.