CEBU CITY – Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa gobyerno na maging transparent kaugnay sa bakunang gagamitin sa bansa.
Sinabi ng senadorang kailangang siguruhin sa mga Pilipino na ligtas at epektibo ang bakuna na papasok sa bansa na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay isang paraan upang mabawasan ang takot ng mga Pilipino nanabakunahan dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia anti dengue vaccine.
Binigyang diin ng senadora na may karapatang ang bawat isa na pumili kung anong bakuna ang ituturok sa katawan.
“Pwede po tayung maging ‘choosy’ kung anung brand ng vaccine ang ituturok sa atin. Kaya yung sinasabi sa atin ay bawal ang pihikan aba teka muna dehado tayo diyan,” ani Hontiveros.
Sa kabilang dako, hinihikayat naman ni Hontiveros ang gobyerno na sagutin kung bakit may mga iligal na bakuna na nakapuslit sa bansa pati na rin kung sino ang nasa likod ng mga black market.