-- Advertisements --

Nag-concede sina Senator Richard Gordon at Sen. Leila de Lima matapos na hindi magtagumpay sa katatapos na halalan.

Ito ay kapwa hindi nagtagumpay sa muli nilang pagtakbo sa parehas na posisyon sa katatapos na Mayo 9, 2022 elections.

Sinabi ni Gordon na nagsalita ang taumbayan at kaniyang iginagalang ang kanilang kagustuhan.

Binati nito ang mga nag-wagi at hangad nitong magtagumpay sila sa kanilang mga posisyon.

Pinasalamatan nito ang mga nakasama sa kabuuang 53 taon nito sa pulitika.

Sa kalatas din na inilabas ni Senator de Lima na hindi siya nagsisisi sa paglingkod sa bansa ganun din ang muling pagtakbo nito kahit na ito ay nakapiit.

Hindi aniya ito kailanman mapapagod sa paglingkod sa bayan.

Pinasalamatan nito ang mga bumuto sa kaniya.

Magugunitang sa pinakahuling partial and unofficial result ng Commission on Elections (COMELEC) ay nasa pang-22 si Gordon habang nasa pang-23 naman si De Lima.