-- Advertisements --

MILYONG PISONG MULTA AT PAG-BAN SA MGA ATLETANG MAPATUTUNAYANG SANGKOT SA KATIWALIAN – SENATORS
LOOP: BONG GO // JINGGOY ESTRADA // VISMIN SUPERCUP AT SAN JUAN KING 1 MUNTI // GAB CHAIRPERSON ATTY RICHARD CLARIN

Nais ng mga miyembro ng Senate Committee on Sports na maharap sa milyong pisong multa at i-ban sa lahat ng mga liga ang atletang mapatutunayang sangkot sa katiwalian.

Ito ang tinalakay sa komite na pinamumunuan ni Senador Christopher “Bong” Go na mabigyan ng mahigpit na parusa sa game fixing sa basketball.

Sa pagdinig, ay ipinalabas sa komite ang magkasunod na video ng VisMin Super Cup at ang game sa pagitan ng San Juan King VS 1 Munti kung saan sinadya ng mga manlalaro na magmintis sa kanilang lay up at hindi saluhin ang bola.

Lumalabas pa sa pagdinig na sadyang nagpapatalo ang ilang mga koponan kapalit ng malaking pustahan at minsan kasabwat pa ang coach sa nangyayaring pandaraya sa laro.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) Chairperson Atty. Richard Clarin, nasuspindi na nila ang 31 mga manlalaro ng VisMin at hindi na rin aktibo ang grupong ito.

Giit nina Go at Jinggoy Estrada, nawawala na ang tagisan ng galing sa mga liga at nagiging pera-pera na lamang ang labanan sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang defense skills.

Nasilip naman ni Senator Raffy Tulfo ang mababang pasahod sa mga manlalaro coaches at referees sa mga basketball leagues na siyang posibleng nagiging dahilan bakit pumapasok sa iligal na pustahan at bentahan ng laro ang ilang mga koponan.