-- Advertisements --

Iginiit ni Senate Defense and Security Chairperson Jinggoy Estrada na kailangang sumunod ng mga rebel returnees sa gobyerno sakaling tanggapin ng mga ito ang amnestiyang igagawad ng pamahalaan.

Matatandaang sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Pangulong Bongbong Marcos Jr., sinabi nitong lalagda siya ng isang proclamation na magkakaloob ng amnestiya sa mga rebel returnees na magbabalik loob sa gobyerno.

Ayon kay Estrada, kasama dapat sa kondisyon ng amnesty ang pagsunod sa lahat ng terms na ilalatag ng gobyerno.

Iginiit ng senador na kailangan ang pamahalaan ang masusunod dito at hindi tayo kailangang bumigay sa kanilang mga demands.

Umaasa naman si Estrada na matukatulong ang pagbibigay ng amnestiya para mahikayat ang lahat ng mga kalaban ng gobyerno na magbalik-loob.

Dahil din sa character ni Pangulong Marcos na napakabait at mas nais ng mapayapang resolusyon ay malayong gawin nito ang ginawa ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada na nagdeklara ng “total war” laban sa pwersa noon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).