Pinawi ng mga tauhan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang pangamba ng publiko hinggil sa kalagayan ng senador matapos itong magpositibo sa COVID-19 at isinugod pa sa ospital nitong nakaraang araw.
Kasalukuyang kasing naka-confine si Dela Rosa, para mabigyan ng angkop na pag-asikaso at hindi rin ito makahawa.
Una nang nakaramdam ang mambabatas ng sintomas ng nasabing sakit.
Partikular na ang lagnat, ubo at sipon.
Pero updated pa rin umano ang senador sa mga kaganapan sa Senado, kasama na ang bicameral conference para sa taunang budget.
Si Dela Rosa ang ika-limang senador na nahawaan ng COVID-19, kabilang na sina Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Sens. Aquilino “Koko” Pimentel III, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Juan Edgardo “Sonny” Angara.