-- Advertisements --

Hiniling ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa impeachment court na payagang makadalo sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte ang dalawang senador na nakakulong na sina Sen. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada.

Ayon kay Cayetano, maaaring makapagdesisyon pa rin ang dalawang senador sa kaso ni VP Sara sakaling sila ay makapagpiyansa o maibasura ang kanilang mga kaso.

Para sa senador, makakatulong ang kanilang presensya upang mas maging transparent at maayos ang proseso ng impeachment trial.

“We do not know what will happen. Their case may be dismissed, they can be out on bail, so we want them to be able to participate and observe the witnesses as senator-judges here,” ani Cayetano, na nagsabing naniniwala siyang pulitikal ang mga kasong kinakaharap ng dalawa.

Nagbigay naman ng suhestiyon si Sen. Raffy Tulfo na maaaring payagan na lamang ang dalawang senador na subaybayan ang paglilitis sa pamamagitan ng telebisyon, habang iginiit ni Sen. Robinhood Padilla na hiniling nila ang aktuwal na pisikal na presensya sa Senado ng dalawang senador bilang mga observer.

Samantala, sinabi ni Senate President at impeachment court presiding officer Chiz Escudero na pag-aaralan nila ang hiling ni Cayetano kasama ang iba pang senator judges.

Si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa naman ay hindi rin dumalo sa pagdinig at matagal nang hindi nakikita sa publiko matapos kumpirmahin ng International Criminal Court noong Mayo ang pag-isyu ng arrest warrant kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Sa ibang banda kinumpirma ng impeachment court na kinakailangan parin ang 16 na senator-judges vote upang mahatulan si Vice President Duterte sa impeachment case na kinabibilangan ng mga akusasyong misuse of public funds, unexplained wealth, bribery, at pagbabanta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Fist Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.