Kinumpirma ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kinansela ng Estadod Unidos ang kanyang US visa.

Ayon kay Dela Rosa, sinabihan din daw siya na maaari pa rin itong mag-apply ng US visa kung kanyang nanaisin.

“Should I want daw to apply for another visa, I may apply, subject to US laws and regulations,” wika ni Dela Rosa.

Pero sinabi ng senador na hindi pa rin daw malinaw sa ngayon kung kailan kinansela ang kanyang visa ng US government.

Napilitan si Dela Rosa na magtanong ukol sa status ng kanyang US visa nang kumalat ang balitang kanselado na ito noong nakaraang buwan.

-- Advertisement --

Una nang sinabi ng mambabatas na kung sakaling nakansela na ang kanyang visa ay labis siyang malulungkot dahil hindi na niya mapapasyalan ang mga kamag-anak sa Amerika.

Ang pagkansela sa kanyang US visa ay posibleng dahil umano sa naging papel nito sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.