-- Advertisements --

Kumpleto na ang final picture ng Semi-final stage ng kauna-unahang NBA In-Season Tournament, matapos umusad ang apat na bigating teams, kasunod ng single elimination na pinagdaanan ng mga ito sa Quarter-finals.

Una rito ay ay umusad ang walong bigating team sa Quarter Finals: Los Angeles Lakers, Phoenix Suns, Sacramento Kings, at New Orleans Pelicans, mula sa Western Conference, habang Milwaukee Bucks, New York Knicks, Indiana Pacers, at Boston Celtics naman sa Eastern Conference.

Matapos ang single elimination ay umusad ang Lakers at Pelicans mula sa West habang ang Pacers at Bucks naman ang namayani sa East.

Batay sa bracket fight na itinakda ng NBA, maghaharap ang New Orleans at Los Angeles sa West bracket, ganun din ang Bucks at Pacers.

Gaganapin ang Semi-finals match sa araw ng Biyernes, Dec. 8, oras sa Pilipinas.

Ang mananalo sa dalawang nabanggit na laban ay silang uusad sa Chamionship match na nakatakdang ganapin sa Disyembre-10, 2023.

Ang In-Season Tournament ay isa sa mga ipinasok ng NBA management na pagbabago sa liga ngayong taon.

Sa ilalim ng naturang turneyo, ang isang team na naka-abot sa quarterfinals ay makakatanggap ng tig-$50,000.

Bawat team na nakaabot naman sa Semis ay makakatanggap ng tig-$100,000

Pagpasok sa Championship, ang team na makakapasok sa Championship ay otomatikong makakatanggap na ng $200,000 habang ang koponan na mag-kampeon ay makakatanggap ng $500,000.

Maliban sa cash prize, magkakaroon din ng NBA Cup habang isang player din ang tatanghalin bilang In-Season Tournament MVP.