-- Advertisements --

NAGA CITY – Isa ang selos ang tinitingnang dahilan ng pamamaril ng anak ng kapitan sa isang kagawad sa Barangay San Vicente, Tinambac, Camarines Sur.

Sa panayam kay P/Maj. Gary Mangente, chief of police ng Tinambac-Philippine National Police, sinabi nitong base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, ayon kay Kapitan Gemma Tuy, seloso umano ang kanyang anak.

Kaugnay nito, bagama’t hindi pa masabi ng hepe ang pinag-ugatan ng pagseselos ni Tuy sa biktimang si Kagawad Edgar Nepas ngunit posible aniyang ito ang dahilan ng away ng dalawa.

Sa ngayon, desidido aniya si Kagawad Nepas na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Una rito, tinamaan ng bala sa tiyan ang opisyal na agad namang itinakbo sa ospital.

Habang mismong ang ina ni Tuy ang nag-turnover sa anak sa kustodiya ng mga otoridad.