-- Advertisements --
birth certificate

Naniniwala ang National Security Council na ang pagbebenta ng Philippine Birth Certificate sa mga Chinese Nationals ay malaking banta sa seguridad ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, batay umano sa isinagawa nilang imbestigasyon , madali lang nakakakuha ng birth certificate ang mga dayuhan partikular na ang mga Chinese mula sa mga Civil Registrar sa mga Local Government Unit .
Karamihan umano sa mga korap na opisyal ay nababayaran ng malaking halaga upang kaagad na makapag release ng naturang sertipiko ng kapanganakan.

Ito ay ipinapadala naman sa Philippine Statistics Authority at magsisilbi na basehan ng official PSA certificate .

Paliwanag pa ni Malaya, ang mga PSA certificate . ay siyang ginagamit ng mga dayuhan sa pagkuha ng kanilang Philippine Passport at National ID.

Ito naman ay ginagamit upang magpanggap na isang tunay na Pilipino.

Samantala, tiniyak naman ng opisyal na nakipag coordinate na sila sa National Bureau of Investigation at sa PSA upang matigil na ang ganitong gawain na ito.