-- Advertisements --

kerwin

Binawi ni self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng kaniyang akusasyon laban kay Sec. Leila De Lima na kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ginawa ni Kerwin Espinosa ang pagbawi sa pamamagitan ng isang counter affidavit subscribed and sworn before sa Department of Justice (DOJ) kaninang hapon sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty. Raymund Palad.

Magugunita na inakusahan ni Kerwin si Sen. Leila de Lima na nuon ay siyang Justice Secretary ng Department of Justice (DOJ) na sangkot ito sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Mahipit namang itinanggi ni Sen. De Lima ang nasabing alegasyon at sinabing mali ang nakuhang impormasyon ni Pang. Rodrigo Duterte.

Hinamon naman ni De Lima ang mga nag-aakusa sa kaniya na maglabas ng ebidensiya na sangkot ito sa operasyon ng iligal na droga.

kerwin1
kerwin1 1

kerwin4

Sa kabilang dako, inalis na rin si Kerwin Espinosa sa Witness Protection, Security and Benefit Program ng gobyerno dahil sa ibat-ibang infractions at isa dito ang tangka nitong pagtakas mula sa kulungan.

Mula sa pagkakakulong sa NBI inilipat na si Kerwin ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) detention cell sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Si Espinosa ay nahaharap sa multiple criminal cases pending sa Manila regional trial court (RTC) Branches 16 at 51; Makati City RTC Branch 65; Pasay City RTC Branch 114; Cebu City RTC Branch 23; at Ormoc City RTC Branch 12.