-- Advertisements --
Naging generally peaceful ang selebrasyon ng Ati-atihan Festival 2023 sa isla ng Boracay.
Ayon kay CG ENSIGN Eulogio Quinto III, Deputy Commander for Administration ng Coast Guard Station Aklan na wala silang nailistang anumang maritime incident sa kabuuan ng okasyon.
Sumentro umano ang kanilang pagbantay sa isinagawang fluvial parade ng lokal na pamahalaan ng Malay kung saan nag-deploy sila ng dalawang floating assets.
Aniya, bahagi ito ng pagbibigay nila ng seguridad gayundin na masiguro ang kaligtasan ng mga deboto at turista.
Dagdag pa ni Quinto na mahigit 10,000 ang mga nakilahok sa Ati-atihan festival.
Malaki umano ang naitulong ng okasyon sa pagdagsa ng mga local and foreign tourist maging ng mga Hollywood star sa tanyag na isla.