-- Advertisements --
image 152

Nakalikom ang Pilipinas mula sa sektor ng turismo ng revenue o kita na papalo sa P100 billion mula ng luwagan ang border restrictions at health protocols noong Pebrero ng kasalukuyang taon sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, nagmula ang kita na ito sa tourist arrivals na umabot sa mahigit dalawang million sa nakalipas na walong buwan.

Ang bagong bilang na ito ay lagpas sa 1.7 million projections ng Tourism department. Pinapakita aniya nito na may malaking demand na bumabiyahe sa ating bansa at sa pagprayoridad ng Marcos administration sa turismo na naglagay sa bansa sa tamang landas tungo sa muling pagbangon mula sa pandemiya.

Sumasalamin din aniya ang matatag na turismo sa kasalukuyan ng isang maunlad na negosyo at oportunidad sa trabaho para sa ating mga kababayang Pilipino.

Karamihan sa mga turista na bumisita sa bansa ay mga dayuhan na nasa 73.43% o mahigit 1.4 million habang ang mga tourist arrivals na overseas Filipinos naman ay nasa 26.57% o mahigit kalahating milyon.

Ang mga turista mula sa Amerika ang nangungunang foreign tourist arrivals sa bansa, sinundan ng South Korea, Australia, Canda, United Kingdom, Japan, india, Singapore, Malaysia at Vietnam.