BAGUIO CITY – Tututukan ng bagong gobernador ng lalawigan ng Benguet ang sektor ng sports.

Ayon kay Benguet Governor-Elect Dr. Melchor Diclas, ipagpapatuloy niya ang pagsasaayos sa Benguet Sports Complex na maaaring maka-accomodate ng walong libong katao.

Aniya, nakaplano ang pagsasaayos sa basketball court at sa mga bleachers sa loob ng gymnasium at nais din niyang gawing rubberized ang track oval at magkaroon ng solar power na swimming pool ang pasilidad.

Plano pa ng gobernador na gumawa ng bagong ordinansa para mabigyan ng mas malaking insentibo at allowances ang mga atleta at coaches ng Benguet.