-- Advertisements --

Mas dinoble ng mga kapulisan sa London ang kanilang seguridad ngayong araw ng libing ni Queen Elizabeth II.

Ilang mga eksperto ay ikinumpara ang kaganapan noong 2012 London Olympics at ang paghihigpit na ginawa rin nila noong libing noon ni dating British Prime Minister Winston Churchill noong 1965.

Tinaguriang “Operation London Bridge” na isang kasunduan na inaprubrahan ni Queeni Elizabeth II noong ito ay nabubuhay pa.

Ayon kay London Mayor Sadiq Khan, na ang libing ng Monarch Queen ay parang mga pinagsamang events ng London Marathon, the carnival, Olympics at Royal weddings na labis ang pagbibigay nila ng seguridad.

Mayroong tatlong police forces ang mag-ooperate ito ay ang Metropolitan Police, City of London Police at British Transport Police.

Pinayuhan na rin nila ang mga mamamayan na huwag ng tumuloy sa pila sa Westminster Hall dahil sa kanila na itong isasara ang pila ilang oras bago ang gagawing mga seremonyas may kaugnayan sa libing.

Nagsagawa ng isang minutong moments of silence ang buong United Kingdom dakong alas-3 ng umaga nitong Lunes oras sa Pilipinas.

Dinaluhan din ng mga matataas na lider ng iba’t-ibang bansa ang ginawang Royal receptions a Buckingham Palace.

Bukod kina US President Joe Biden at asawang si Jill Biden ay nandoon din sina Irish President Michael D Higgins, UK Prime Minister Liz Truss, French President Emmanuel Macron, New Zealand’s Prime Minister Jacinda Ardern, at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Ang nasabing mga opisyal ay kabilang sa ilang libong mga katao na sumilip sa labi ng monarch Queen.

Itinuturing naman ni Biden si Queen Elizabeth bilang “decent” at “honourable”.

Isagawa nito ang pahayag matapos ang pagpirma niya ng book of condolence para sa late monarch sa Lancaster House.