-- Advertisements --
Nagpaabot ng pakikiisa sa sambayanang Pilipino ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa paggunita sa ika-77 taon ng Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9.
Kasabay nito, tiniyak ng PNP na “in-placed” na ang mga inilatag nilang seguridad para sa mga gagawing pagdiriwang na may kaugnayan sa Araw ng Kagitingan.
Pangungunahan ni PNP Chief Oscar Albayalde ang 190,000 PNP personnel sa pagsaludo at pagbibigay pugay sa ipinamalas na kabayanihan ng mga Filipino katuwang ang mga Amerikano sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Hapon noon.
Aniya, hindi kailanman matatawaran ng sinuman ang ipinakitang pagmamahal sa bayan ng mga beterano na hanggang sa ngayon may mga pulis pa rin ang nagbubuwis ng buhay sa ngalan ng kapayapaan.










