CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaiigting pa ng pulisya ang ipinapatupad na seguridad sa pangunahing mga syudad kabilang mismo sa Cagayan de Oro at Iligan sa Northern Mindanao region.
Kasunod ito nang pagka-rekober ng apat na improvised explosive devices na nakalagay sa bag at iniwan sa isang ukay-ukayan malapit sa malaking mall sa sentro na bahagi ng Iligan City nitong linggo lamang.
Sinabi ni Police Regional Office 10 Director Police Brigadier General Lawrence Coop na patuloy ang kanilang imbestigasyon kung sino ang nasa likod pagbitbit ng IEDs na nagdulot ng seryosong pangamba ng publiko sa lugar.
Inihayag ng heneral na hindi imposible na nagmula ito sa natitirang mga gamalay sa napatay na South East Asia emir ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na si Abu Zacaria sa Marawi City,Lanao del Sur.
Teorya kasi ni Coop na dahil sobrang lapit lang ng Iligan City mula sa Marawi City kaya hindi imposible na nanggaling ito nabanggit na grupo.
Subalit nagpapatuloy pa raw ang ginawa na imbestigasyon kung ano ang motibo sa IEDs recovery noong araw na Linggo.
Isinantabi rin ng opisyal na mayroon itong kaugnayan sa nalalapit na pang-halalang barangay at kabataan sa Oktubre 30 ng taon.
Dagdag ni Coop na maaring pananakot lang ang nasa likod nito dahil kulang-kulang ang components kaya walang kakayahan na sumabog.
Magugunitang simula na ang fiesta related activities ng Iligan City bilang bahagi sa kapistahan ng patron Senior San Miguel Arcanghel sa Setyembre 29.
Sa nakaraang linggo,narekober ng pulisya at militar ang ilang bomba na pagmay-ari ng local terrorists sa hideout nito sa Barangay Bowi,Pantar,Lanao del Norte na karatig lugar lang ng Lanao del Sur.