Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukala na naglalayong patatagin pa ang seguridad ng tenure workers sa mga pampribadong sektor.
Sa botong 204 affirmatives, pito ang negative, at tatlo naman ang abstain, inaprubahan ng kapulungan ang House Bill 7036 o ang “Security of Tenure Act.”
Sa nasabing panukala ay ipagbabawal ang labor-only contracting, o kung sakali na ang contractor ay walang sapat na capital o investment pagdating sa tools, equipments, machineries at work premises.
Kasama na rin dito ang pagkakataon kung walang kontrol ang contractor sa workers’ methods at means kung paano matatapos ng kaniyang empleyado ang kanilang trabaho.
Mayroon din itong bagong probisyon kung saan kinakailangang lahat ng tao na ginagawang negosyo ang pagiging job contractors ay dapat kumuha ng lisensya mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa oras na mapatunayang iligal ang ginagawa ng business owner ay maaaring ipasara ang kampanya.
Nakamandato rin dio ang karapatan at benefuits ng relievers, project at seasonal employees tulad ng mga regular na empleyado.
Tutol naman ang ilang myembro ng Makabayan block sa pagpasa ng naturang panukala. Anila, hindi raw ito ang solusyon upang tuluyan nang matuldukan ang contractualization sa bansa.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, sa panahon ng pandemya at pagbagsak ng ekonomiya ng bansa, ay mas inuuna pa rin daw ng gobyerno ang paglalagay ng rekisito na dapat ang trabaho ng isang manggagawa ay directly related at kinakailangan para sila ay maging regular.
Magreresulta aniya ito sa pagreregularisa ng mga manggagawa at hindi sa principal employer.
Bukod dito, hindi rin dapat pinahintulutan na lantarang ipagbawal ang job contracting, labor-only contracting at subcontracting sa panukalang batas na ito dahil ibig sabihin lamang daw nito ay pwede pa rin ang kontraktwalisasyon.