CEBU CITY – Iniimbestigahan pa ng PNP pagkamatay ng isang security guard matapos itong tambangan sa Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu.

Ayon sa imbestigador ng Mambaling Police Station na si Police Master Sergeant Nicolo Gonzales, sakay ang biktimang si Jay Fernando Cruz sa kanyang motor papunta sa kanyang tinatrabauhang kompanya nang binaril ito ng isang hindi pa nakilalang gunman.

Tinamaan ng bala ang biktima sa kanyang panga dahilan sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober mula sa crime scene ang isang fired cartridge ng caliber .45 na armas.

Dagdag pa ni Gonzales na personal grudge ang nakitang anggulo sa pagkamatay ni Cruz.

Susuriin din ng pulisya ang iba pang mga CCTV footage mula sa crime scene upang malaman kung sino ang suspek sa pagkamatay ng nasabing security guard.