Pararangalan ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.
Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan.
Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na ang Civil Security Group ay nakikipag-ugnayan sa pamilya ng Bandiala para sa paggawad ng parangal.
Kung maalala, kabilang si Bandiala sa mga binaril ni Chao Tiao Yumol, isang doktor, sa Ateneo campus noong Hulyo 24.
Napatay din sina dating Lamitan, Basilan mayor Rosita Furigay at ang kanyang executive assistant na si Victor Capistrano.
Nasugatan ang anak ni Furigay sa insidente.
Sinabi ni De Leon na magbibigay din ang PNP ng tulong pinansyal sa pamilya ni Bandiala.
Si Yumol ay nakakulong sa kasong murder, frustrated murder at malicious mischief.