-- Advertisements --

Isinasapinal na ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang ipapairal na security at safety measures para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22 na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mahigit 6,500 pulis ang ipapakalat sa buong siyudad kabilang ang mga tauhan mula sa Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina at mga barangay para matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa SONA.

Habang ang Disaster Risk Reduction and Management Office naman ay naka-standby para rumesponse para sa emergencies kasama ang Emergency Medical Services, Search and Rescue teams at Barangay Health Emergency Response Team.

Hinimok naman ng alkalde ang mga nagpa-planong magsagawa ng arlly at demonstrasyon na makipag-ugnayan sa Department of Public Order and Safety para makakuha ng permits.

Magdedeploy din ang lokal na pamahalaan ng QCity buses at barangay service vehicles na magbibigay ng libreng sakay sa publiko.