Mananatiling pagsubok para sa lahat ng gobyerno sa buong mundo kung papaano makakaiwas sa ikalawang wave ng coronavirus.

Isa na rito ang Iran na kabubukas lamang muli ng ekonomiya noong nakaraang buwan matapos bumaba ang kaso ng COVID-19 sa naturang bansa ngunit bigla na lamang nakapagtala ng Iran ng 1,680 bagong kaso noong Miyerkules.

Ayon kay Kianush Jahanpur, tagapagsalita ng health ministry sa bansa, posible raw na dahil ito sa mga nonessential outings at travel na ginagawa ng kanilang mamamayan.

Nagbabala rin ito na hindi dapat magpakampante ang mga taga-Iran sa kasalukuyang kalagayan ng bansa dahil hindi pa ito tuluyang nakakabalik sa normal na takbo ng kanilang pamumuhay.