Sa susunod na linggo na maaring maaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang proposal na amiyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments chairman Alfredo Garbin Jr., pitong kongresista ang nakatakdang mag-interpellate hinggil sa Resolution of Both Houses No. 2
Bibigyan aniya ang mga ito ng hanggang sa susunod na linggo para tapusin ang kanilang interpellation.
Kabilang sa lineup ay sina Representatives Sarah Elago, Christopher “Kit” Belmonte, Joseph Paduano at Lorenz Defensor.
Para naman sa second round ng interpellation, magsasalita sina Representatives Edcel Lagman at Carlos Isagani Zarate.
Aminado naman si Garbin na wala gaanong koordinasyon sa Senado sa kasalukuyan hinggil sa Resolution of Both Houses No. 2.
Naniniwala si Garbin na hinihintay lamang ng Senado ang “finished product” mula sa Kamara.