KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalakas ng Securities and Exchange Commission Region 10 ang loob ng mga personahe ng Bombo Radyo GenSan kasunod nang insidente nang pamamaril sa kanilang himpilan.

Sinabi ni SEC regional director Atty. Renato Egypto na mas lalo pa silang naging pursigido sa kanilang kampanya na pahintuin ang KAPA-Community Ministry International Inc. ni Pastor Joel Apolinario at iba pang investment scam sa bansa dahil ramdam nilang may kakampi silang media gaya ng Bombo Radyo sa kanilang krusada.

Ayon kay Egypto, umaasa silang walang kinalaman ang KAPA sa pamamaril ngunit hindi rin maiwasang mapagdudahan ito dahil ang Bombo Radyo ay isa sa mga humahalungkat sa ere sa tinaguriang pinakamalaking investment scam sa bansa.

Samantala umaasa naman ang naturang opisyal na magtuloy-tuloy na ang kaso laban sa KAPA dahil matibay umano ang mga ebidensya na kanilang hawak laban sa nasabing grupo.