-- Advertisements --
sec

Nakatakdang ilabas ng Securities and Exchange Commission(SEC) ang panibagong mga guidelines na siyang maglalaan ng mas mataas na penalty sa mga kumpanya sa bansa na hindi naglalabas ng akmang report.

Ang mga nasabing penalties ay 90% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang mga danyos.

Sa ilalim ng mga panukalang guidelines, ang mga kumpanya sa bansa na may kinikitang hindi bababa sa P100,000, na late o nahuling magsumite ng kanilang report ay pagbabayarin ng P5,000 sa unang paglabag hanggang P9,000 sa pang-limang paglabag.

Bawat buwan na bigong makakapagsumite ng report ang mga nasabing kumpanya ay dadagdagan ng p1,000 ang kanilang mga babayarang danyos.

Para naman sa mga kumpanyang may kinikitang hindi bababa sa P100,000, at hindi maghahain ng kaukulang report ay pagbabayaring ng multa na hanggang P100,000 sa unang paglabag at itataas hanggang P18,000 para sa panglimang paglabag.

Karagdagang P1,000 naman ang idadagdag sa penalty ng mga ito, sa bawat buwan na bigo silang makapag-submit ng report.