Handa na ang Securities and Exchange Commission (SEC) para maipatupad ang full digital sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
Dahil sa pagpapatupad na ng kanilang zero face-to-face transactions policy ay isasara na ng SEC ang mga cashier’s office sa kanilang main headquarters sa lungsod ng Makati at mga extension offices ng hanggang Pebrero 1, 2023.
Ang mga bayad aniya ay matatanggap sa pamamagitan ng kanilang Electronic System for Payment to the SEC (eSPAYSEC) o anumang Landbank branch.
Ayon kay SEC chair Emilio B. Aquino na ang paglilipat na nila sa mga online transactions ay para matiyak ang transparent at magandang pamamahala ng pondo.
Inilunsad ang eSPAYSEC sa kasagsagan ng pandemic lockdown na isa itong web-based system na papayagan ang pagbabayad ng fees o penalties sa mga corporate regulators gamit ang kanilang debit at credit cards.