Personal na pinangasiwaan ni Health Secretary Francisco Duque ang vaccination sa V Luna Hospital kung saan siya mismo ang nag turok ng bakuna sa isa sa mga medical frontliner ng AFP.
Bandang alas-11:33 ng umaga kanina, nagsimula ang ceremonial vaccination sa V Luna Medical Center.
Tatlong mga military doctor ang unang naturukan ng Sinovac COVID 19 vaccine na galing sa China.
Ang mga naturukan na mga doktor ay sina: Doctor Col. Fatima Claire Navarro, Commanding Officer V Luna Medical Center Doctor Col. Cynthia Liao, Nuclear Medicine Department Head ng V Luna Medical Center Doctor Major Jose Lorenzo Rollo, Psychiatric Department Head ng V Luna Medical Center.
Ang tatlong doktor ay bahagi asa 30 na mababakunahan sa V Luna Medical Center.
Si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang panauhing pandangal sa ceremonial vaccination.
Ayon sa kalihim gusto niya sanang magpabakuna subalit hindi pwede dahil siya ay lagpas 59 years old na.
Pang 18-59 years old lang kasi ang Sinovac vaccine.
Sinabi ni Lorenzana, maghihintay muna siya ng bakuna na angkop sa kanyang edad.
Sinabi ng kalihim mandatory ang pagbabakuna sa AFP, subalit maaari namang mamili ang mga ito kung anong brand ng vaccine ang nais nila.
Dumalo rin si AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, Health Sec. Franciso Duque III at Cabinet Sec. Karlo Nograles at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon naman kay AFP Chief of staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana nag boluntaryo na siyang magpabakuna pero hindi siyan pinayagan ng AFP doctor at ni Sec. Duque.