Todo pasasalamat si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa publiko dahil sa nakuhang “best performing cabinet member” sa isinagawang survey, pangalawa kay MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) Chairman Benhur Abalos Jr.
Batay sa survery, nakakuha si Año ng score na 68% sa survey ng RP-Mission and Development Foundation sa National Capital Region (NCR) mula July 3 hanggang July 10, 2021 habang 70% naman ang kay Abalos.
Nasa 3,500 respondents ang nagpa-rate sa job performance ng mga cabinet officials.
Ayon kay Año, ang high approval rating ay patunay ng mga pagsisikap at maraming nagawa ng departamento sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang DILG chief.
Pinuri rin ng kalihim ang DILG family na mas pinagsikapang mahatiran ng mahusay na serbisyo ang publiko.
Sa isinagawang survey, 21% lamang ng respondents ang nagpakita ng hindi pagsang-ayon kay Año habang 11% ang “undecided.”