KORONADAL CITY – Pahirapan pa rin sa ngayon ang search and rescue effort na ginagawa ng mga otoridad sa mga natabunan ng lupa sa nangyaring mudslide sa Shizouka prefecture sa lungsod ng Atami.
Ito ang ibinahagi sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo international correspondent Beam Tanaka Taniguchi na tubong lungsod ng Koronadal.
Ayon kay Taniguchie sa ngayon dalawang bangkay pa lamang ang narekober habang nasa 10 naman ang na-rescue.
Ngunit, hindi pa rin nakikita ang mahigit 20 missing hanggang sa ngayon.
Aminado si Tanaguchi na hindi inaasahan ng mga residente doon ang pangyayari.
Dagdag pa ni Taniguchi, sa sunod-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan ay nangyari ang mudslide.
Sa ngayon hindi pa nagpapalabas ng impormasyon ang mga otoridad sa Atami sa pagkakakilanlan ng mga missing.
Hindi pa rin malinaw kung may mga Pinoy na kabilang sa mga natabunan ng mudslide.