-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pansamantalang ipinatigil epektibo ngayong araw ang biyahe ng motorbanca mula sa Iloilo City papunta sa Guimaras at vice versa.

Ito’y dahil sa hindi pagtupad ng mga pasahero sa physical distancing measure.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nilalatag sa ngayon ang protocol upang maiwasan ang pagdami pa ng reklamo sa kawalan ng safe distancing sa Parola Wharf.

Ayon kay Treñas, maaari namang gamitin ang pump boats kapag may emergency.

Napag-alaman na kasabay ng unang araw ng pagbalik ng mga tao sa trabaho kahapon, nagkumpol-kumpol ang mga ito sa pantalan at hindi nakontrol ng mga pulis ang volume o dami ng mga tatawid pauwi ng Guimaras.

Samantala, hindi kasama sa naturang suspensyon ang biyahe ng Roll On Roll Off vessels.