-- Advertisements --
Surfing la union Sea games
Surfing at La Union

LA UNION – Puspusan ang ginagawang pagsasanay ngayon ng Singapore team para sa nalalapit na surfing competition sa susunod na linggo sa San Juan, La Union.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Becky, isa sa mga surfer ng Singapore team, sinabi niya na “challenging” at kakaiba ang waves sa naturang lugar, kung kaya’t kailangan makabisado nila ang galaw ng alon para sa gagawing tricks at mas magandang performance.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit maaga silang dumating sa lalawigan, para mapag-aralan maigi ang alon sa dagat..

Aminado si Becky na walang malalaking alon sa kanilang bansa sa Singapore kung kaya’t nagtutungo pa ang mga ito sa ibang bansa, gaya nang sa Malaysia at Indonesia para magsanay.

Si Becky ay limang taon nang ginagawa ang pagsu-surfing.

Samantala, na-appreciate naman ni Becky ang presensiya ng mga police escorts at rescue team na naka-deploy sa venue, para bantayan ang seguridad ng mga atleta at delegado.

Sa araw ng Biyernes, inaasahan na magsisidatingan na ang ibang atleta mula sa mga bansang kalahok sa surfing tournament ng SEA Games 2019.