-- Advertisements --

Hindi man makakapaglaro sa FIBA World Cup 2023, tiniyak pa rin ng Filipino naturalized player na si Justin Brownlee ang suporta nito sa buong Gilas Pilipinas.

Maalalang ilang buwan bago ang FIBA 2023, pinagpipilian sina Brownlee at Utah Jazz star Jordan Clarkson na magiging naturalized player ng Gilas, hanggang sa tuluyang pinili si Clarkson, habang nagpapagaling din si Brownlee dahil sa kanyang ankle injury.

Ayon kay Brownlee, kailangang ibigay ng Gilas roster ang lahat ng kanilang talento sa magiging laban.

Bagaman tinatanggap nito ang posibilidad na labis na mahihirapan ang Pilipinas, pinayuhan ni Brownlee ang buong team na tibayan lamang nila ang kanilang puso.

Nangako rin ang Barangay Ginebra import na tututukan niya ang magiging laban ng Gilas, habang patuloy siyang nagpapagaling.

Maalalang naging instrumental si Brownlee sa panalo ng Gilas sa nakalipas na 32nd Southeast Asian Games, kung saan nagawa nilang magkampeon laban sa mga bigating team ng South East Asia.

Si Brownlee ang nanguna sa buong Gilas sa pamamagitan ng kanyang all-around performance, kasama ang magandang depensa.